DSWD, namahagi ng tulong sa mga biktima ng landslide sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2018 08:45 PM

MANILA—Namahagi ng tulong nitong Sabado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng landslide sa lungsod ng Naga sa Cebu.

Labing-isang pamilya ang binigyan ni DSWD Secretary Virginia Orogo ng P25,000 bilang tulong sa pagpapalibing sa mga namatay sa landslide noong Huwebes.

Tiniyak din ng ahensya na patuloy ang kanilang pagbibigay ng ayuda sa mga pamilyang apektado.

Umabot na umano sa higit P2 milyon ang halaga ng ayudang naipamahagi sa halos 900 pamilyang namamalagi sa 5 evacuation center sa lungsod.

Sa pinakahuling tala, 29 na bangkay na ang nakuha ng mga awtoridad habang nasa 40 katao pa ang hinahanap.

— Ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.