PatrolPH

Ina, kasabwat tiklo sa pagbebenta umano ng sanggol sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2022 02:01 AM

Arestado ang isang 29 taong gulang na ina at ang isang kasabwat matapos umano ibenta nito ang kaniyang 5-araw na sanggol sa Iloilo City, Martes ng hapon.

Ayon sa Criminal Investigation Detection Group-Iloilo, matagal na nilang sinusubaybayan ang ilegal na gawain ng 53 anyos na babaeng kasabwat ng ina matapos makatanggap ng impormasyon na nagbebenta umano ito ng mga sanggol.

Napagkasunduan umano ng mga suspek at ng isang agent na nagpanggap na bibili sa sanggol ang halagang P40,000.

Matapos na tanggapin ng mga suspek ang pera sa operasyon sa sa Brgy. Boulevard, Molo sa Iloilo ay kaagad na inaresto ang mga ito ng mga awtoridad.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag ng Child Abuse Law ang mga suspek.—Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.