PatrolPH

Olongapo Mayor Rolen Paulino nagpositibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2021 03:58 AM

Kinumpirma ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr. na nagpositibo siya sa COVID-19.

Idinetalye ng alkalde nitong Biyernes na siya ay positibo sa COVID-19 isang araw matapos ang pagpapasinaya ng molecular diagnostic laboratory sa lungsod.

Sa kaniyang Facebook page, sinabi niya na positibo siya sa virus at kasalukuyang nasa home quarantine at nagpapagaling. 

 

Personal na dumalo si Paulino noong Huwebes sa pagbubukas ng sariling molecular diagnostic laboratory ng lungsod kung saan siya ay isa sa mga unang na-swab. Ang resulta ng swab test ay lumabas Huwebes ng gabi.

Sinabi niya na hindi niya alam kung sino o saan siya na-expose, pero tiniyak niyang patuloy pa rin siya sa trabaho.

Bukod kau Paulino, dumalo rin ang iba't ibang mga opisyal ng lungsod kasama ang ilang mga frontliner ng lungsod. — Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.