PatrolPH

Lalaking nanggahasa umano sa 12 anyos timbog sa Davao Oriental

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2021 06:27 AM

Arestado ang isang 38-anyos na construction worker nitong Linggo matapos umanong gahasain ang isang 12-anyos na babae sa Barangay Mogbongcogon, bayan ng Banaybanay sa Davao Oriental.

Ayon sa pulisya, inireport ang krimen sa PNP, kaya tinugunan agad nila ang insidente ng panghahalay. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang natutulog ang biktima ay pumasok umano ang suspek sa kwarto nito.

Nagising umano ang biktima na nasa maselang bahagi na ng katawan nito ang kamay ng suspek, dahilan ng pagsigaw nito at paghingi ng saklolo.

Kasalukuyang nasa Banaybanay Municipal Police Station ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 in relation to Republic Act 7610. — Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.