PatrolPH

Isko Moreno kumpirmadong tatakbong presidente sa 2022

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2021 08:49 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno nitong Martes na tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2022, katambal ang doktor na si Willie Ong.

Sa isang text message, um-'oo' si Moreno nang tanungin kung tatakbo siyang presidente sa 2022.

Sumikat si Moreno bilang artista, bago tumawid sa politika. 

Patok sa social media noon ang mga pausong salita ni Moreno, na kilala rin sa bansag na "yorme."

Si Ong naman ay isang doktor na sikat din sa social media. Sinubukan nitong magsenador noong 2019 pero hindi siya nanalo.

Nakatakdang pormal na ilunsad ni Moreno ang kaniyang kampanya sa Miyerkoles. 

—May ulat ni Katrina Domingo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.