'You're the kindest': PMA cadet na namatay sa hazing inalala ng pamilya, kaibigan

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2019 04:49 PM | Updated as of Sep 21 2019 08:06 PM

Watch more in iWantTFC

CAGAYAN DE ORO — Naiuwi na dito sa siyudad nitong Sabado ang mga labi ng 20 anyos na si Darwin Dormitorio, ang Philippine Military Academy (PMA) cadet na namatay noong Miyerkoles dahil sa blunt force trauma na timano umano niya dahil sa hazing.

Pero bago inilipad ang bangkay ng biktima, dinalaw muna nina Defense Secretary Delfin Lorenza at Interior Secretary Eduardo Año ang burol ng kadete sa PMA campus sa Baguio City.

Sa send-off, sinabi ng 2 kalihim na ikinalulungkot nila ang sinapit ni Dormitorio lalo pa't malapit sila sa pamilya nito.

"We are close to the family kasi ang wife ko is apo niya na 'yung kadete," sabi ni Año.

"Iyung tatay niya squadmate ko 'yan. We are very close to the family... Hopefully it will not happen again," ayon naman kay Lorenzana.

Sinabi ni Lorenzana na dapat maging aral sa iba pang mga kadete ang nangyari kay Dormitorio.

"We hope this serves as a lesson to the cadets. I, too, experienced hazing but not this much."

Kasama ang pamilya, inilipad mula sa Loakan Airport sa Baguio City ang mga labi ni Dormitorio pauwi sa Cagayan de Oro.

HOMECOMING

Sa isinagawang misa para kay Dormitorio, inalala ng kaniyang mga nagdadalamhating mahal sa buhay kung anong klaseng tao ang naturang binatilyo.

"We will find justice for you. You're the kindest person," sabi ni Glemer Hibaya, kaibigan ni Dormitorio.

Nanghihinayang din sila sa sinapit ng kadete. Sana raw ay maging instrumento ang nangyari para tuluyan nang mawala ang hazing sa PMA.

"Bakit hindi pa mawala ang hazing na nagpapahirap lang sa mga kadete ng PMA?" tanong ni Jovie Forteza, tiyahin ni Dormitorio.

Nakikiramay din ang alkalde ng Cagayan de Oro sa pamilya Dormitorio at nakikiisa sa panawagan para sa hustisya sa sinapit ng kababayan.

"We are all very saddened by the tragic death...Darwin Dormitorio, a promising local boy from Cagayan de Oro City, whose dreams were shattered needlessly... We also demand that justice be served regardless of any circumstance. Mr. Dormitorio's death should not pass unsolved," ani Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno.

Samantala, naghain na ng resolusyon sa Kamara si Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez para maimbestigahan ang pagkamatay ni Dormitorio.

"We are going to file charges after the investigation in Congress when we have the testimony of everyone not only against the upperclassmen who did this hazing but also faculty members, administration officials who knew about this hazing but did not prevent it," sabi ng mambabatas.

Wala pang tiyak na araw kung kailan ililibing si Dormitorio.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.