MANILA - Pinag-iingat ng archdiocese of Antipolo ang publiko matapos makatanggap ng impormasyon na may mga nagkukunwaring pari at nanghihingi ng pera sa mga deboto sa lungsod.
Ayon kay Antipolo Bishop Francisco de Leon, marami na sa kanilang mga parishioner ang nabiktima. Nagdudulot na umano ito ng problema sa kanilang mga simbahan.
Nagsasagawa umano ng house blessing ang mga pekeng pari at nanghihingi ng pera o gift card.
Hinimok din ng obispo ang mga parishioner na agad na mag-report sakaling tangkaing biktimahin sila ng mga pekeng pari. - Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, Regional News, Antipolo archdiocese, Rizal, peke, pari, fraud, scam, priests, Catholic Church