TINGNAN: Mga batang 'naka-solvent' sumampa sa umaandar na taxi sa EDSA

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2018 09:49 PM

Sapul sa CCTV ang dalawang batang sumampa sa isang umaandar na taxi sa gitna ng EDSA. 

Makikita sa video ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsampa ng dalawang bata sa likuran at bubong ng taxi. 

Sabi ni MMDA Special Operations Group head Bong Nebrija sa DZMM ay maaaring nasa impluwensiya ng "solvent" ang mga bata noong nangyari ang insidente noong Martes.

Aniya, nakikipag-ugnayan ang kanilang ahensiya sa pagsagip sa mga "batang hamog" at palaboy sa kalye.

Ilalagay sila sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

Binalaan din ni Nebrija ang publiko na mag-ingat at ugaliing mag-lock ng pintuan ng mga sasakyan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.