Suspek sa serye ng pagnanakaw sa Davao City, patay

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2018 05:38 PM

Patay ang isang lalaki na sinasabing notadong magnanakaw matapos na magpaputok at nanakbo nang sitahin ng rumorondang pulis sa Davao City.

DAVAO CITY – Isang lalaki na nasa likod umano ng serye ng pagnanakaw sa Davao City ang napatay ng awtoridad, Huwebes ng gabi.

Ayon sa pulisya, bigla umanong nagpaputok at tumakbo si Joel Enriquez nang sitahin ng mga rumorondang pulis.

Modus din umano ng suspek ang tumimbre sa mga bahay at saka nito lolooban kung walang tao.

Noong isang linggo, nakunan pa ng CCTV footage ang pagnanakaw ng suspek sa isang bahay.

Narekober ng awtoridad ang isang baril mula sa suspek pati na ang nakaw na bisikleta.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang pamilya ng suspek hinggil sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.