May-ari ng sikat na restobar sa Naga, timbog sa buy-bust

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2018 06:00 PM

NAGA CITY - Arestado ang isang negosyante matapos umano pagbentahan ng droga ang mga undercover na pulis sa isang buy-bust operation dito sa lungsod, Huwebes.

Hinuli ng mga pulis ang 37-anyos na si Dennis Chua matapos niyang tanggapin ang P500 kapalit ng isang sachet ng shabu sa tapat ng kaniyang restobar sa Magsaysay Avenue.

Narekober mula kay Chua ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, 5 taon nang nagnenegosyo sa lungsod ang suspek.

Inaalam pa ng mga pulis kung may iba pang negosyanteng kasabwat ang naarestong suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.