Lalaki, patay sa pananaksak sa Bulacan

Isay Reyes, ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2018 08:34 AM | Updated as of Sep 21 2018 10:31 AM

SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan - Isang lalaki ang patay matapos pagsasaksakin ng mga 'di pa nakikilalang salarin dito sa bayan, Biyernes.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakasakay sa tricycle ang 33-anyos na biktimang si Jerome Baysa nang may makaalitan ito sa Barangay Gayagaya.

"Bumaba raw 'yung 3 sakay ng tricycle tapos may nakasagutan. Tapos yung kinakasama niya tumakbo sa opposite direction. Nagulat na lang siya na nakita na niyang naka handusay yung biktima," sabi ng imbestigador na si PO1 Jeremiah Bangayan.

Hindi alam ng pamilya ni Baysa kung matagal na siyang may kaaway sa lugar.

Patuloy na hinahanap ng mga pulis ang salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.