Lalaki patay sa landslide sa CamSur

Jessa Mylce Mella, ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2018 04:36 PM

LAGONOY, Camarines Sur – Patay ang isang lalaki matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Barangay Sipaco, Huwebes ng hapon.

Kinilala ng pulis ang lalaki na si Darwin Bermejo.

Tatlong oras ang layo ng nasabing barangay sa sentro ng Lagonoy kaya Biyernes ng umaga lang nakapunta sa lugar ang mga pulis kasama ang kawani ng Lagonoy Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Inaalam pa ng awtoridad kung anong ginagawa ng biktima sa bukid na 11-kilometro ang layo sa Sipaco proper kung saan siya nakatira.

Nakuha na umano ang bangkay ni Bermejo. Nakaburol na ang kaniyang mga labi sa bahay niya sa Barangay Sipaco.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.