Fetus, natagpuan sa ilog sa Bacolod

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2018 12:27 PM

Hinala ng pulisya na nasa lima hanggang anim na buwan na ang fetus na natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Barangay Alijis sa Bacolod City.

BACOLOD CITY – Isang fetus ang natagpuang palutang-lutang sa ilog na sakop ng Barangay Alijis sa lungsod na ito, Biyernes ng umaga.

Napadaan lamang si Rolando Norbe nang mapansin niya ang fetus.

Tinakpan na lamang ng isang puting lampin ang sanggol na ayon sa pulisya ay nasa lima hanggang anim na buwan. Makikita rin na ito ay isang lalaki.

Paalala ng awtoridad na responsibilidad ng mga magulang na ipalibing nang tama ang sanggol.

Tinutukoy na ng pulisya kung sino ang nagtapon sa fetus para maisailalim din ito sa imbestigasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.