7 sundalo sugatan matapos pasabugan ng landmine sa Agusan Del Norte

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2018 04:40 PM

BUTUAN CITY - Sugatan ang 7 sundalo matapos pasabugan ng improvised explosive device sa bayan ng Buenavista sa Agusan del Norte kamakailan.

Ayon sa mga awtoridad, nakasagupa ng tropa ang mga umano'y miyembro ng New People's Army Martes ng hapon.

Matapos ang ilang minutong bakbakan ay bigla na lang umano pinasabugan ng landmine ang mga sundalo.

Patuloy na ginagamot sa Camp Evangelista Hospital ang 4 na sundalo na tinamaan ng shrapnel.

Agad namang nakalabas sa ospital ang 3 na nagtamo lamang ng ilang sugat.

Nagpasya ang mga awtoridad na huwag muna ilabas ang mga pangalan ng mga sugatang sundalo na mga miyembro ng 23rd Infantry Battalion ng Philippine Army.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.