1 patay sa sunog sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2018 12:16 AM | Updated as of Sep 21 2018 02:06 AM

MAYNILA - Isa ang patay nang masunog ang isang apartment sa Suerte Street, F.B. Harrison, Pasay City nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Pasay City fire marshal John Pinagod, natagpuan ang bangkay sa ikalawang palapag ng apartment.

Inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng biktima.

Base sa imbestigasyon, sumiklab ang sunog alas-10 ng gabi sa isang unit na tinutuluyan ng isang seaman.

Mabilis kumalat ang apoy at agad itinaas sa ikatlong alarma makalipas ang ilang minuto.

Idineklarang under control ang sunog alas-10:40 ng gabi at tuluyang naapula alas-11:13 ng gabi.

Patuloy pa na iniimbistigahan ng awtoridad ang sanhi at danyos ng sunog. - Ulat nina Michael Delizo at Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.