Construction worker, arestado sa drug bust sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2017 06:13 PM

Isang construction worker ang inaresto ng awtoridad sa isang drug buy-bust operation noong Miyerkoles ng gabi sa Taguig City.

Nahuli ng mga pulis sa operasyon sa Barangay Wawa ang 42-anyos na si Joey Reyes.

Aminado si Reyes na tulak siya ng droga.

Nakuha mula kay Reyes ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, na may kabuuang halagang P6,000, at P1,000 buy-bust money.

Ayon kay Reyes, na may sampung anak, pumasok siya sa bentahan ng droga dahil sa kahirapan.

Napagalaman ring nakulong na si Reyes noong taong 2002 dahil sa kasong may kaugnay sa droga.

Batay sa impormasyong nakuha ng mga pulis, kasama si Reyes sa drug watchlist ng Barangay Hagonoy.

Dating naimbitahan si Reyes sa Oplan Tokhang pero hindi ito sumama.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.