'Hitman' huli sa drug bust sa Cagayan de Oro

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2016 08:57 AM

MANILA - Nahuli ang isang hinihinalang hitman sa drug buy-bust operation sa Barangay Cugman, Cagayan de Oro City, Martes ng hapon.

Nakabili ang mga operataba ng isang pakete ng hinihinalang shabu mula sa suspek na si Eugenio "Atok" Gomez, Jr. Nakuha rin sa kanya ang isa balot ng drogang tinatayang nagkakahalaga ng P15,000.

Nang kapkapan, nakuha rin sa kanya ang isa pang pakete ng drogang nagkakahalaga ng P15,000, isang kalibre .25 baril at 13 bala.

Kinukumpirma pa ng mga pulis ang ulat na miyembro ng gun-for-hire gang si Gomez.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at illegal possession of firearms and ammunition.