PatrolPH

Sunog sa 2 bayan sa Bohol, umabot ng 15 oras

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2022 03:57 AM

Umabot ng 15 oras ang sunog na tumama sa kagubatang bahagi ng mga bayan ng Guildulman at Duero sa Bohol, ayon sa BFP ngayong Lunes.

Ayon sa head investigator ng Guindulman Fire Station, SF01 Emmanuel Abejaron, pasado alas 7 Sabado ng gabi nila natanggap ang alarma ng sunog.

Nagsimula umano ang apoy sa Santa Amay Hills sa boundary ng Brgy. Cansiwang at Tabunok sa Guindulman, bago umabot ang apoy sa katabing barangay ng Labogon sa Duero.

"Hindi maabot ng firetruck ang nasusunog na bukid, kaya siniguro nalang namin ang mga bahay na hindi maabot ng apoy," ani Abejaron.

Alas 10:50 ng umaga kinabukasan nagdeklara ng BFP ng fire-out. Wala namang mga instruktura ang nasunog.

Ayon sa BFP, nakikipag-ugnayan sila sa LGU at sa DENR dahil may bahagi ng reforestation project ang nasunog. 

Inaalam pa ng BFP ang kabuuang pinsala at sanhi ng sunog. 

Agosto noong nakaraang taon, tumama rin ang 12-oras na grassfire sa Guindulman.—Ulat ni RC Dalaguit De Vela

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.