PatrolPH

Lalaki patay matapos matabunan sa umano'y treasure pit sa Davao Oriental

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2022 06:49 AM

Kuha ng Governor Generoso MDRRMO
Kuha ng Governor Generoso MDRRMO

Nasawi ang isang lalaki matapos matabunan ng lupa sa isang treasure pit umano sa bayan ng Governor Generoso, Davao Oriental, Lunes ng umaga.

Kinilala ng municipal disaster risk reduction and management office ang biktima na si Romeo Del Campo Jr., na na-trap nasa isang mining tunnel ng ginto sa Barangay Poblacion, .

Sa mga larawan na ibinahagi ng MDRRMO, makikita ang kanilang mga rescuer, bumbero, pulis, at mga residente na nagtulungan sa pagkuha ng lalaki na wala nang malay.

Isinugod pa sa Davao Oriental Provincial Hospital - Gov. Generoso ang biktima pero patay na itong dumating.

Tinatayang mahigit 20 talampakan ang lalim ng tunnel.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at kung may mananagot sa nangyari.—Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.