TINGNAN: 'Iron hands' sumasalo ng durian sa Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2021 02:30 PM

Watch more on iWantTFC
Courtesy of Nadil Ibrahim

MANILA -- Namangha ang mga netizens sa isang farm worker na walang kahira-hirap na sumasalo ng mga durian sa bayan ng Makilala sa Cotabato.

Sa isang video na meron nang higit 300,000 views, makikitang tila hindi man lang nasasaktan si Magenda Eban habang sinasalo ang mga durian kahit na walang suot na gloves.

Ayon sa mga ibang netizens, tila may "iron hands" si Eban dahil sa kanyang kakaibang talento.

Sabi naman ng iba, dapat na malaki ang suweldo niya dahil sa kaniyang kakayahan. 

Ayon sa nag-upload ng video na si Nadil Ibrahim, sanay na sa ganitong gawain ang kanyang pinsang si Eban.

Itinuturing ang durian na "king of fruits" dahil sa amoy at mga tinik nito.

Panahon ngayon ng pag-aani ng mga durian sa Mindanao. 

-- ulat ni Hernel Tocmo