PatrolPH

10 araw na lang: Voter registration patuloy na dinudumog

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2021 09:08 PM

Mahaba ng pila sa Comelec office sa Arroceros, Maynila para sa mga nais magparehistro sa halalan 2022. Jekki Pascual, ABS-CBN News
Mahaba ng pila sa Comelec office sa Arroceros, Maynila para sa mga nais magparehistro sa halalan 2022. Jekki Pascual, ABS-CBN News

MAYNILA — Sobrang haba ng pila nitong Lunes ng umaga sa mga tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga nais magparehistro at makaboto sa halalan 2022.

Sampung araw na lang ang voter registration na magtatapos sa Setyembre 30.

Sa pila sa Comelec office sa Arroceros, Maynila, lahat ng nakapila ay may bitbit na mga papel na dokumento para sa registration. 

Bawat distrito ay may mga sariling patakaran rin, ang iba ay bawal mag-walk-in at limitado ang slots. 

Patuloy naman ang panawagan ng samu't saring grupo at celebrities na i-extend ng Comelec ang voter registration. 

—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.