Pamilya, minasaker sa Surigao del Sur

Lorilly Charmane D. Awitan, ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2019 04:26 PM | Updated as of Sep 21 2019 08:17 PM

Natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Pedro sa bayan ng Cantilan sa Surigao del Sur. Larawan mula sa Munisipalidad ng Cantilan

CANTILAN, Surigao del Sur – Patay ang apat na miyembro ng isang pamilya matapos pagsasaksakin sa loob ng kanilang bahay sa Purok 1, Sitio Gapas Gapas, Barangay San Pedro, Biyernes ng madaling araw.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa impormasyon mula sa Cantilan Police, patay si Rogelio Ravelo Jr., 35-anyos, isang overseas Filipino worker; ang maybahay nitong si Alfonsita, 39, isang guro; at dalawa nilang anak na may edad 3 at 9 na taong gulang.

Ayon kay Capt. Ferdinand Tabares, hepe ng Cantilan Police Station, alitan sa lupa ang isa sa tinitingnan nilang anggulo sa pagpatay sa pamilya.

Ito’y base na rin sa pahayag ng mga kapitbahay na nakausap ng mga pulis.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad bilang person of interest ang nakatatandang kapatid ng biktimang si Alfonsita.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.