Pamilyang 'tulak' sa Taguig, kalaboso

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2018 05:09 AM

MAYNILA - Arestado ang mga miyembro ng isang pamilya na umano'y sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Barangay Ibayo-Tipas, Taguig City nitong Miyerkoles.

Huli ang padre de pamilya, anak, manugang, at umano'y runner.

Nakuha sa kanila ang 8 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P54,000.

Nilusob ng mga pulis ang bahay ng mga suspek matapos magpositibo ang buy-bust operation.

Ayon kay Supt. Alexander Santos, hepe ng Taguig City police, ikinasa ang operasyon matapos silang makatanggap ng impormasyon ukol sa umano'y pagtutulak ng pamilya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ginagamit pa umano ng pamilya ang kanilang sari-sari store bilang front sa kanilang ilegal na gawain. - Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.