P600,000 halaga ng droga, nasabat sa Iloilo City

Nony Basco, ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2018 04:04 AM

ILOILO CITY - Mahigit kalahating milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lungsod nitong Miyerkoles.

Unang nasakote ang isa 32-anyos na Filipino-Chinese sa Barangay Roxas Village pasado alas-4 ng hapon.

Nakumpiska mula sa suspek ang 52 gramo ng hinihinalang droga na may halagang higit P600,000.

Newly identified drug personality ang suspek na may malakihang transaksyon, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency-Western Visayas.

Nahuli naman ang isang 25-anyos na lalaki sa Jaro bandang alas-8 ng gabi.

Nakuha mula sa kaniya ang 10 gramo ng shabu na may halagang P100,000.

Nasa kustodiya ng PDEA ang dalawang suspek, na mahaharap sa kasong selling and possession of illegal drugs.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.