Klase sa ilang paaralan sa Butuan, suspendido dahil sa baha

Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2018 12:18 PM

BUTUAN CITY - Kinansela ang klase sa ilang paaralan dito sa lungsod matapos magbaha sa ilang lugar dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ang klase sa mga sumusunod na paaralan, Huwebes:

  • Butuan Central Elementary School
  • Butuan City SPED Center
  • Agusan National High School

Ayon sa PAGASA, ang malakas na ulan dito sa lungsod ay dulot ng isang Intertropical Convergence Zone na nakaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Nasa labas pa ng Philippine area of responsibility ang isang low pressure area na maaaring maging bagyo sa mga susunod na araw, sabi ng PAGASA.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.