Illegal lumber kumpiskado sa Palawan

Arlie Cabrestante, ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2018 03:46 PM

PUERTO PRINCESA CITY - Hindi bababa sa 363 piraso ng kahoy mula sa mga punong bawal putulin ang nakumpiska ng mga awtoridad kamakailan mula sa bakuran ng isang mag-asawa dito sa lungsod.

Nakumpiska mula sa isang bahay sa Barangay Buenavista ang mga tabla ng ipil at narra, mga uri ng puno na ipinagbabawal putulin alinsunod sa polisiya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon sa mga awtoridad, pag-aari ng mag-asawang Flora at Philipe Fankhauser ang mga nasabat na kahoy.

Sinampahan ang mag-asawa ng kasong paglabag sa Forestry Code of the Philippines.

Ang mga kahoy ay pansamantalang inilagak sa opisina ng DENR dito sa lungsod habang idinudulog ang kaso sa korte.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.