High-value target arestado sa buy-bust sa Puerto Princesa

Arlie Cabrestante, ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2018 07:08 PM

Narekober ng awtoridad mula sa mga suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu at P10,000 marked money. Larawan mula sa Puerto Princesa City Drug Enforcement Unit. 

PUERTO PRINCESA CITY – Isang itinuturing na high-value target ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Luzviminda sa lungsod na ito, Miyerkoles ng gabi.

Kasama ring naaresto sa operasyon ang isang 19-anyos na babae.

Nakumpiska mula sa 31-anyos na suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu at P10,000 na ginamit na buy-bust money.

Napag-alaman naman na dati nang nakulong ang suspek na lalaki at inaalam pa kung dahil din ito sa ilegal na droga. Inaalam rin kung ano ang partisipasyon ng babaeng nahuli sa ilegal na kalakaran ng droga.

Tikom naman ang bibig ng suspek kung saan siya kumukuha ng supply ng shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.