Bise alkalde sa Negros nakaligtas sa pamamaril ng lasing

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2018 09:46 AM | Updated as of Sep 20 2018 09:59 AM

BAIS, Negros Oriental - Nakaligtas si Vice Mayor Miguel Real ng bayan na ito matapos barilin ng isang lasing na lalaki ang kaniyang sasakyan nitong Miyerkoles ng gabi.

Pauwi na si Real galing sa isang pulong nang huminto ang kaniyang sasakyan sa Barangay Cambanjao dahil sa paghahamon ng away ng suspek sa gitna ng daan.

Hindi ito pinansin ng opisyal at itinuloy pa rin ang pagdaan sa kalsada. Pero biglang bumunot ng kalibre .38 ang suspek at binaril nang 2 beses ang sasakyan ni Real.

Hindi naman tinamaan ang alkalde habang agad na nahuli ang suspek.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril.

Ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.