Bagong silang na sanggol, natagpuan sa damuhan

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2018 04:50 PM

Malusog, normal ang timbang at walang kapansanan ang bagong silang na sanggol na natagpuan sa damuhan sa bayan ng Goa sa Camarines Sur.

GOA, Camarines Sur – May takip na karton at nababalot pa ng dahon ang isang bagong silang na sanggol nang matagpuan sa damuhan sa Barangay Belen sa nasabing bayan nitong Miyerkoles.

Ang sanggol ay natagpuan ng mag-asawang Gerry at Noemi Gonzaga. Sa tulong ng rescue teams, agad nadala sa infirmary ang sanggol.

Ayon sa doktor, nakakabit pa ang umbilical cord ng sanggol na malusog, normal ang timbang at walang nakitang kapansanan.

Aalagaan muna ng social welfare office ang sanggol.

Sa imbetigasyon ng pulis, posibleng ililibing nang buhay ang sanggol sa damuhan.

Oras na makilala ang magulang, mahaharap ang mga ito sa kasong frustrated infanticide.

Tatlong insidente na ng pag-iwan sa sanggol ang naitala sa Goa mula noong nakaraang taon.

Panawagan ng awtoridad sa mga nagbubuntis na humingi ng tulong sa ahensya ng gubyerno kung nahihirapan sa sitwasyon para magabayan ng tama.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.