ALAMIN: Mga isasarang kalsada sa Set. 21 para sa martial law anniversary

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2018 10:00 PM

Magpapatupad ng road closure at rerouting ng mga sasakyan sa ilang lugar sa Maynila simula Biyernes ng umaga kasabay ng inaasahang mga aktibidad kaugnay ng paggunita sa ikaw-46 anibersaryo ng pagdeklara sa martial law.

Ayon sa Manila Traffic Enforcement Unit, simula alas-6 ng umaga Biyernes ay isasara ang mga sumusunod na kalsada:

  • Northbound at southbound lanes ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang Quirino
  • Eastbound lane ng T.M. Kalaw mula Ma. Orosa hanggang Taft Avenue
  • Eastbound at westbound lanes ng Kalaw mula M.H. Del Pilar hanggang Roxas Boulevard 
  • UN Avenue sa kanto ng Roxas Boulevard sa Service Road

Dahil dito, ang mga sasakyan na dadaan ng Roxas Boulevard at manggagaling ng Delpan at Pier ay maaaring kumaliwa sa P. Burgos habang ang mga manggagaling sa T.M. Kalaw ay maaaring kumaliwa sa M.H. Del Pilar.

Ang mga pupunta naman ng Taft Avenue at dadaan ng T.M. Kalaw ay maaaring kumaliwa sa Orosa kung manggagaling sa Mabini street.

Ang mga cargo truck naman na biyaheng Osmeña Highway ay dapat kumanan sa Quirino Avenue at dumeretso ng Nagtahan, Lacson, o Yuseco at tumawid ng Abad Santos papunta sa Raxabago street.

Ang mga cargo naman na dumadaan ng Pier area ay maaaring dumaan sa northbound ng R-10 at kumanan sa Capuno at deretso hanggang Lacson. —Ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.