2 tauhan ng MMDA iniimbestigahan dahil sa droga, pangingikil

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2018 03:47 PM

Iniimbestigahan na ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawa nilang empleyado na sangkot umano sa extortion at paggamit ng ilegal na droga sa loob mismo ng kanilang opisina. 

Ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia, nahuli sa aktong gumagamit ng ilegal na droga ang isa nilang empleyado sa kanila mismong palikuran.

Nakatanggap din sila ng reklamo na isa umanong empleyado ng MMDA ang nanghihingi ng tig-P1,000 sa bawat nag-aapply ng trabaho sa ahensiya. 

Kasalukuyang naka-hold muna ang dalawang empleyado habang iniimbestigahan ang magkahiwalay na pangyayari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.