1 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa sementeryo

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2018 10:30 AM

Patay na nang datnan ng pulisya ang isa sa tatlong biktima na pinagbabaril ng hindi pa kilalang mga salarin sa loob ng isang sementeryo sa Cebu City.

CEBU CITY – Isa ang patay habang dalawa ang sugatan sa pamamaril sa isang barung-baro sa loob ng sementeryo, Huwebes ng madaling araw sa lungsod na ito.

Agad na naisugod sa pagamutan ang dalawang sugatan na ngayon ay nasa ligtas nang kalagayan, ayon sa pulisya.

Base sa isang saksi, hatinggabi nang pumasok sa semeteryo ang dalawang lalaki at agad na binaril ang mga biktima.

Hindi naman namukhaan ng saksi ang mga suspek na agad na tumakas.

Ayon sa pulisya, posibleng may kinalaman umano sa ilegal na droga ang pamamaril.

Bukod sa slug ng bala, may sachet din ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia ang nakuha sa crime scene.

Dagdag pa ng pulisya, ginagawa umanong drug den at pasugalan ang sementeryo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.