Mga 'hakot' na sakay ng 6 na barko, mino-monitor ng PNP

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2017 04:56 PM | Updated as of Sep 21 2017 01:24 AM

Beneripika na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang ulat na may anim na barko mula sa Visayas at Mindanao ang inarkila para sakyan ng mga sasama sa kilos protesta sa Huwebes.

Ayon kay Dela Rosa, pinababantayan na nila ang mga barko na umano’y inupahan ng mga kritiko ng administrasyon.

Batid aniya na mahihirapan silang kumuha ng mga taga Luzon kaya mga taga Visayas at Mindanao ang kinumbinsi na sumama sa National Day of Protest.

“We don’t want a repeat of what had happened in Kidapawan na na-instigate yung tropa tapos nagkaputukan, yun ang ating binabantayan talaga,” sabi ni Dela Rosa.

Hindi rin inaalis ni Dela Rosa ang posibilidad na may sumamang kasapi ng New People’s Army sa barko na dapat nilang mabantayan.

“Expected naman natin yan. Hirap silang makakuha ng mga tao dito sa Luzon area. Ang kinukuha nila yung madali nilang mauto, pati yung mga galing sa armadong NPA hindi magdadala ng armas pero sasama dyan sa rally na yan,” sabi niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.