Dating sumuko sa 'tokhang', pinagbabaril

Bianca Dava, ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2017 08:30 AM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng 4 na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo sa Pasay City, Martes, pasado alas-9:00 ng gabi. 

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Leionel Gonzales, 36, na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at sa katawan nang pagbabarilin ng mga nakasombrerong salarin. 

Ayon sa mga opisyal ng Barangay 113, dati nang sumama sa Oplan Tokhang ang napatay. Pero imbes na tumigil, nagpatuloy pa umano sa pagtutulak at paggamit ng droga.

Samantala, nakuha ng mga awtoridad ang 16 na basyo ng di pa matukoy na kalibre ng baril. Inaalam na rin ng pulisya ang motibo sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.