MAYNILA — Bandang alas-9 ng umaga nitong Martes nang umalingawngaw ang magkakasunod na putok ng baril sa hilera ng mga nagtitinda ng parol sa Jose Abad Santos Avenue road San Fernando, Pampanga.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang riding-in-tandem na naka-helmet papunta sa direksyon ng San Fernando.
Dead-on-the-spot ang 53-anyos na babaeng negosyante na taga-Norzagaray, Bulacan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng San Fernando police, tinarget talagang patayin ang biktima, na may tama ng bala sa ulo.
"Pinlano talaga ito, inabangan talaga nila... Scheduled delivery kasi ito, alam nila na darating sila doon," ani Lt. Col. Preston Bagangan, hepe ng San Fernando police.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP para matukoy ang mga suspek at malaman ang motibo sa nangyaring krimen.
—Ulat ni Gracie Rutao
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, rng, regional, regional news, rehiyon, region, regions