PatrolPH

Mga nakumpiskang smuggled rice ipinamahagi ni Marcos sa Zamboanga Sibugay

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2023 08:43 PM

MAYNILA — Ipinamahagi nitong Martes ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga residente ng Tungawan, Zamboanga Sibugay ang ilang bahagi ng mga nasamsam na smuggled rice sa Zamboanga City noong isang linggo.

“Kaya naman po ay tinitiyak natin na hindi ginagawa na pinaglalaruan ang presyo ng bigas ng mga iilan diyan na pinahihirapan ang taong bayan para lang sila kumita nang malaki,” ani Marcos.

Nasamsam ang 42,180 sako ng smuggled rice na nagkakahalaga ng P42 milyon sa isang warehouse sa Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City noong Setyembre 15.

Alinsunod sa batas, ang mga bigas ay ibinigay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maipamahagi sa mga residente ng rehiyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.