MAYNILA — Inaresto nitong Martes ang lalaking nagmamaneho ng sasakyan na may dalang 11 baril, kabilang na ang mga short firearm at shotgun, papasok sa Camp Crame.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, papasok ang lalaki sa Camp Crame nang maharang ito dahil sa dalang mga baril.
Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang PNP habang no comment naman ang naarestong lalaki.
Dinala na sa Criminal Investigation and Detection Group ang naarestong lalaki.
Umiiral ngayon ang gun ban dahil sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na buwan.
Sa ilalim ng gun ban, pinagbabawal ang pagdadala ng kahit anong baril at firearms sa labas ng bahay o business establishments at mga pampublikong lugar.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.