PatrolPH

#WalangPasok: Malabon nagsuspende ng klase, Setyembre 19

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2022 02:14 PM


MAYNILA — Nagsuspende ng klase ang lokal na pamahalaan ng Malabon City ngayong Lunes bunsod ng masamang panahon.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval na suspendido ang klase sa lahat ng antas ng mga pribado at pampublikong paaralan sa kanilang lungsod simula alas-12 ng tanghali.

Maulan ngayong Lunes sa central at southern Luzon at ilang parte ng Visayas bunsod ng habagat, ayon kay ABS-CBN resident meteorologist Ariel Rojas.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.