Matapos ang 'big-time' rollback, price hike sa produktong petrolyo nagbabadya

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2020 05:04 PM | Updated as of Sep 19 2020 05:05 PM

MAYNILA - Matapos ang big-time na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo noong Martes, magkakaroon ng dagdag-presyo sa susunod na linggo. 

 Tinatayang dagdag sa presyo ng petrolyo:

  • Gasolina → P0.60-P0.70/litro
  • Diesel → P0.10 -P0.15/litro
  • Kerosene → P0.50-P0.60/litro 

Batay sa tantiya ng mga taga-industriya, maglalaro sa P0.60 hanggang P0.70 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina. 

Nasa P0.10 hanggang P0.15 namang dagdag-presyo ang inaasahan sa kada litro ng diesel. 

Ang kerosene, may dagdag-presyo na P0.50 hanggang P0.60 kada litro. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.