Mag-live in partner tiklo sa umano'y illegal online gaming sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2020 05:48 AM | Updated as of Sep 19 2020 07:48 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Isang mag-live in partner ang inaresto dahil sa pagkakasangkot umano nila sa isang ilegal na online gaming operation sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa pulisya, inireklamo sila ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) dahil sa ilegal nilang operasyon ng online gaming.

Minanmanan ang mga suspek ng ilang linggo at napatunayan umano na may illegal gambling na aktibidad sa kanilang bahay.

Ayon sa pulisya, "Ate Girl Pabingo" ang pangalan ng nasabing laro, na nag-ooperate tuwing gabi. 

Nasa P20 umano ang halaga ng bingo card at napakaliit lang daw ng chance na manalo ng P50,000 to P100,000 na jackpot price. Kumikita ang suspek ng nasa P100,000 isang gabi, ayon sa mga awtoridad.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga akusdao.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Anti-Cyber Crime Law. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.