Bagong laya patay sa pamamaril sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2019 05:41 AM

Jennifer Garcia Hernandez, ABS-CBN News

ILOILO CITY—Patay ang isang lalaki na kalalaya lamang sa kulungan matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Lapuz Sur, Iloilo City Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Roy Goco na 4 na araw pa lang nakalabas sa kulungan dahil sa kaso ng ilegal na droga.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, sakay ng bisikleta ang biktima nang sundan ng 2 lalaking naka-motorsiklo.

Ilang segundo, binaril si Goco ng sakay ng motorsiklo. Kahit nakadapa na, binaril siya ulit hanggang sa mabulagta.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay.

Ayon kay Lapuz Sur barangay chairman Wilson Allona, dating sangkot sa kasong robbery at theft ang biktima.

Palaisipan sa pamilya Goco ang motibo sa pamamaslang.—Ulat ni Jennifer Garcia Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.