Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News
NEGROS OCCIDENTAL—Inaresto ng mga awtoridad ang 8 katao matapos makuhanan umano ng mga armas at pampasabog sa isang checkpoint sa Escalante City, Negros Occidental Miyerkoles ng hapon.
Ayon kay Police Maj. John Despi, hepe ng Escalante City police, nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis at militar sa Barangay Jonob-Jonob nang dumaan ang mga suspek pasado alas-5 ng hapon.
Natagpuan sa kanilang sasakyan ang ilang baril na may kalibre .45 at .38, rifle grenades, at petrol bombs.
Ayon naman sa grupong Sining na Naglilingkod sa Bayan (Sinagbayan), planted umano ang mga armas.
Miyembro ang mga hinuli sa mobile prop team (MPT) na nag-iikot at nag-iimbita bilang paghahanda sa ika-34 na taon ng pag-alala sa mga biktima ng Escalante Massacre.
Kasapi umano ang mga hinuli sa mga lehitimong organisasyon na Teatro Obrero, ilang opisyal ng National Federation of Sugar Workers at KADAMAY.—Ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Regional news, Tagalog news, crime, arrest, firearms, explosives, Escalante City, Negros Occidental, checkpoint, Sining na Naglilingkod sa Bayan, Sinagbayan, Escalante Massacre