Trak inararo ang isang bahay sa Negros Occidental; 2 sugatan

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2018 07:44 AM

CAUAYAN, Negros Occidental - Sugatan ang 2 babae dito sa bayan nang maatrasan ng isang truck, Martes.

Ayon sa mg biktimang sina Tarsilla Balungcas at Lilia Sebua, nakatayo sila sa harap ng bahay ng kanilang kapitbahay nang biglang umatras ang malaking sasakyan na may kargang semento. Nasira rin ang isang bahagi ng bahay matapos itong salpukin ng truck.

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, paakyat sana ang truck sa isang mataas na bahagi ng barangay nang mamatay ang makina nito.

Agad sumuko ang 35-anyos na driver na si Noel Cristobal, sabi ng mga pulis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.