TINGNAN: Parañaque Integrated Terminal Exchange, malapit nang magbukas

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2018 05:25 AM | Updated as of Sep 19 2018 09:47 AM

Mga larawan mula sa Department of Transportation Facebook page

MAYNILA - Inaasahang magbubukas na sa unang linggo ng Oktubre ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Nasa 98 porsiyento nang tapos ang konstruksiyon ng terminal na kayang magserbisyo nang nasa 200,000 pasahero araw-araw, dagdag ng DOTr.

Nag-inspeksiyon nitong Martes ang mga assistant secretary ng DOTr at Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) sa PITX sa may Coastal Road ng Parañaque.

Kapag nagbukas na ang terminal, dito na ang sakayan at babaan ng lahat ng bus at UV Express mula sa timog ng Kamaynilaan gaya ng Batangas at Cavite na dumadaan sa Coastal Road o Manila-Cavite Expressway.

Hindi na puwede ang mga bus na dumiretso pa sa mga terminal sa EDSA, Taft, at Baclaran kapag nagbukas na PITX. 

Pinag-aaralan din ang posibilidad na bumaba ang pamasahe ng ilang ruta dahil mas maikli na ang biyahe. - may ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News