P320-K halaga ng droga nasamsam sa buy-bust sa Silay City; suspek timbog

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2018 06:39 PM | Updated as of Sep 19 2018 06:53 PM

SILAY CITY - Isang 35-anyos na lalaking nasa illegal drugs watch list ng pulisya ang arestado sa isang buy-bust operation na isinagawa dito, Miyerkoles.

Nakuha rin mula sa suspek ang pitong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P320,000.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang minamanmanan ang suspek.

Sa pagkakaaresto sa kaniya, naniniwala ang pulisya na mababawasan na ang bentahan ng ilegal na droga sa Barangay 4.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.