'Nanlaban': Lalaki patay sa buy-bust sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2018 06:00 AM

BULACAN - Patay ang isang hinihinalang tulak sa buy-bust operation sa San Jose del Monte, Bulacan Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alyas Ronel na nakuhanan ng 13 sachet ng umano'y shabu at kalibre .45 na baril.

Ayon sa pulisya, nagpaputok ang suspek matapos niyang mahalata na pulis ang kaniyang katransaksiyon.

Nauwi ito sa engkuwentro at napuruhan ang suspek na dahilan sa agarang pagkamatay nito.

Dagdag ng pulisya, tukoy na tulak ang suspek. Dinadala umano nito ang mga parokyano sa isang kubo para sa drug session. - Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.