Higit sa P14-M ‘shabu’, nasamsam sa Cebu City

Leleth Rumaguera, ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2018 11:42 AM

Tatlo katao ang naaresto sa buy-bust operation kung saan nasamsam ng awtoridad ang hinihinalang shabu na may street value na higit sa P14-milyon. Larawan mula sa Mandaue City Police Office

CEBU CITY – Mahigit sa P14-milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa 3 naaresto sa buy-bust operation sa lungsod na ito, Martes ng gabi.

Isa sa mga naaresto ay itinuturing na high value target ng awtoridad.

Ayon sa ulat mula sa Mandaue City Police Station 3, nalaman ang kilos ng tatlong target mula sa mga courier ng droga na naaresto sa mga checkpoint.

Dagdag pa ng pulisya, may kasama pa ang 3 na pinaghahanap pa.

Inaalam na ng awtoridad kung saan galing ang mga contact ng mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.