Dating pulis, jail guard, arestado sa buy-bust sa Cavite

Paulo Ferrer, ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2018 09:05 PM

NAIC, Cavite - Arestado ang isang dating pulis at ang karelasyon nitong jail guard matapos umano mabilhan ng ilegal na droga sa bayang ito Miyerkoles.

Pagpasok sa tindahan kung saan naganap ang transaksiyon, nakita ang dalawang bulto ng hinihinalang shabu.

Ayon sa Batangas police, ilang linggo nang under surveillance sa kanila ang mga suspek na itinurong supplier ng mga nauna nang nahuli sa Batangas.

Batay sa impormasyon, dating pulis ang suspek na si Martin Panganiban habang jail guard naman sa Cavite Provincial Jail ang kinakasama nitong si Ma. Rhodora Villaruz.

Nakumpiska sa dalawa ang 150 gramo ng hinihinalang shabu, P360,000 na marked money at isang itim na kotse.

Dinala na sa Camp Vicente Lim ang dalawang suspek pati na rin ang mga ebidensiyang nakuha sa kanila para sa karagdagang imbestigasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.