4 hinihinalang pusher huli sa buy-bust sa Navotas

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2018 11:06 AM

MAYNILA - Kulong ang 4 na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Barangay NBBN sa Navotas City, Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang dalawa sa mga ito na sina alyas Jerry, isang pintor, at alyas John, isang mangingisda. Ayon sa pulisya, ang dalawa umano ang supplier ng ilegal na droga sa mga mangingisda sa lugar.

Tinatayang P800 halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa mga suspek. Aminado sila na nagtutulak sila ng droga pero ito anila ay dahil hindi sapat ang kanilang kita para tustusan ang pamilya nila.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. --ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.