RIYADH - Nagbigay ng in-person briefing tungkol sa Islamic banking kamakailan ang Philippine Embassy sa Riyadh, Saudi Arabia.
Nitong mga nakaraang taon, dumarami na ang mga nagkakainteres at gustong maintindihan ang Islamic banking dahil sa ethical at Shariah-compliant financial practices nito.
Layon ng briefing na mabigyan ng kaliwanagan ang prinsipyo, konsepto, at gawi ng Islamic banking. Ang Islamic banking expert ng Bangko Sentral ng Pilipinas na si Assistant Governor Arifa Ala ang nagbigay ng isang interactive talk tungkol sa lumalagong Islamic finance sector sa Pilipinas.
Si Banko Sentral ng Pilipinas Assistant Governor Arifa Ala (kaliwa) at CDA Rommel Romato (kanan) sa briefing tungkol sa Islamic Banking na ginanap Philippine Embassy sa Riyadh (Riyadh PE)
Diin ni Ala, marami ang benepisyong matatamo sa Islamic banking bilang business model kahit ano pa ang iyong relihiyon.
Maganda ring paraan ito para mapalawig ang financial literacy para sa OFWs at kaalaman sa Islamic banking.
Sumusunod sa prinsipyo ng Shariah Law ang Islamic banking. Isa rin sa pangunahing pagkakaiba nito sa conventional banking ay hindi sila nagbabayad, tumatanggap o nagpapatong ng interes sa pera ng kanilang mga depositor o kliyente.
Riyadh PE
Dagdag pa ng BSP, ang kaalaman sa Islamic banking ay maaring makatulong para magkaroon ng mas mainam na financial decisions ang mga Pilipino sa abroad.
Riyadh PE
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Saudi Arabia, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.